Friday, September 30, 2011

Polusyon

            Kalusugan. pinaka importante sa buhay ng isang tao. Lahat tayo ay dapat iniingatan at inaalagaan ang ating mga katawan sapagkat ito ang ating sandata sa lahat ng hamon sa buhay. Ngutin sa panahon ngayon, unti-unting humihina ang ating pangangatawan at nagsasanhi ito ng pagdapo ng iba't ibang karamdaman. Anu-ano nga ba ang sanhi ng paghina ng ating pangangatawan? Tayo nga kaya ang tunay na may kasalanan sa mga nangyayari sa ating kalikasan na nagdudulot ang napakaraming sakit?

         Isa sa mga pangunahing dahilan ng pagbabago ng kalusugan ng tao ang tumitinding polusyon sa ating bansa. Ito ay bunga ng paggamit ng iba't ibang kemikal at makina sa pagpapatakbo ng mga malalaking pabrika.Ito ay nagdudulot ng pagbago ng hangin na nalalanghap ng tao na nagdudulot ng pagkakaruon ng ibat-ibang klase ng sakit. Kahit mga simpleng sasakyang pang publiko ay nagbibigay din ng polusyon.

         Hindi lang ang tao ang na peperwisyo ng matinding polusyon, ang kalikasan din ay walang ligtas sa nasabing problema. Isa sa mga epekto nito ay ang unti-unting pagsira ng ating inang likha. pagsira sa ating mga kagubatan, pagpatay sa mga walang laban na mga hayop, pagabuso sa ating likas na mineral at iba pang lamang tubig.

             Tayo ay gumising, marapat lamang na tayo ay kumilos upang mailigtas ang bawat isa sa pag ganti sa ating ng kalikasan ng dahil sa hindi matapos-tapos na problema sa polusyon. Maawa tayo sa mga taong iyak nalang ang kayang gawin dahil sa mahal na gamot para sa mga mahal nila sa buhay na nagkakasakit at unti-unting namamatay. Wag natin antayin na wala ng malalanghap na sariwang hangin ang mga susunod na henerasyon. Ating ibalik ang dating sigla ng kalikasan...